nuffnang

Thursday, May 31, 2012

Si Lolo


Incoming third year college ako. Yung BF ng barkada ko (barkada din namin) eh umuwi galing States. So nagyaya na mag-out of town. Naisipan nung isa kong kaibigan na sa kanila na lang kami for three days.

So hala, Sugod mga kapatid ang ginawa namin. Dalawa ang bahay nila. Yung una eh yung tinitirhan nila talaga at yung pangalawa eh katiwala lang ang nakatira. Yung lugar nila eh hindi naman liblib. In fact, parang nasa Maynila ka lang. Dun kami nag-stay sa pangalawang bahay.

First night namin, mag-uumaga na kaming natulog kasi kakakuwentuhan at kakalaro ng baraha. Mga mag-11am na siguro nung bumangon kami. Nagpunta kami sa unang bahay kasi dun kami kumain ng lunch. After lunch, bumalik na kami sa pangalawang bahay kasi nag-decide kami na mag-swimming sa malapit na resort. So kukuhanin namin yung ibang gamit namin para sa swimming.

5 kami naglalakad pabalik. Ako ang nauna sa kanilang lahat. Pangalawa, magkasama yung dalawa kong barkada, at pinakahuli yung mag-syota kong kaibigan. May naiwan pa sa unang bahay, yung isa ko pang barkada at yung barkada namin na nakatira dun.

Papasok pa lang ako ng gate, bigla na lang may bumagsak na buko sa puno. So natakot ako, not because of anything, pero dahil sa baka tamaan ako sa ulo nung buko.

Yung pangalawang barkada ko, ganun din nangyari sa kanila. Binagsakan din sila ng buko. So iniisip namin na may tao sa puno na nang-aasar. Pero wala naman. Yung mag-syota, hindi naman binagsakan.

So pagpasok namin, akyat agad kami sa kuwarto. Ako naman ang huling pumasok kasi hindi agad ako umakyat pero nag-CR muna ako. Nung papasok na ako at sasarado ang pinto, bigla na lang bumukas ulit. Mind you! Walang hangin nung oras na yun. So sinara ko ulit, making sure na naisara ko ng mabuti. Pagsara ko, bigal na namang bumukas. So natakot na ako nun. Kaya ang BF na lang nung kaibigan ko ang nagsara.

Hindi pa man niya naisasara ng todo, may tumutulak na sa pinto para wag sumara. Kaya yung kaibigan ko, natakot din at pilit na sinasara yung pinto. Kami naman na nasa loob na, tinulungan namin yung BF para isara yung pinto. This time, kinawit namin at pinindot yung lock. Hindi na bumukas.

Pero pilit na may gustong magbukas ng pinto. Tinutulak kahit wala kaming makita. Tapos kumakatok. Tatlong beses ang katok niya na tatlong tok tok din. Maya-maya pa, nawala yung kumakatok.

Then after siguro 5 minutes, kumakatok na naman. This time, umubo pa! Boses ng matandang lalaki!!!

Sa takot namin, nag-Our Father talaga kami. Then biglang nawala ulit. Maya-maya na naman, kumakatok na naman. At nagsalita pa. This time, boses nung kaibigan namin na naiwan sa unang bahay. Pinabubuksan yung pinto. Eh ayaw namin kasi nga baka nagboboses-bosesan lang. Tiningnan namin yung ilalim ng pinto, at walang paa!!! So takot na takot talaga kami dun at balak na naming sumigaw sa bintana para humingi ng tulong. Pero nawal rin yung tumatawag.

Next thing, may kumakatok na naman. Pero yung kumakatok eh yung talagang kaibigan na namin. Kaya pinapasok na namin tapos ikinuwento namin yung nangyari.

Ang nakakainis pa, hindi na kami babalikan nung kaibigan namin na nakatira dun. Sabi niya, antayin na lang niya kami bumalik sa unang bahay. Kaya walang may gustong lumabas ng kuwarto sa amin. Pero nilakasan na lang namin loob namin na lumabas at dali-daling tumakbo papunta sa unang bahay.

Ikinuwento namin sa kaibigan namin yung nangyari. At saka lang niya sa amin pinagtapat na may multo nga daw dun. Multo ng lolo niyang may-ari ng bahay. Hindi lang niya sinasabi sa amin kasi nga siguradong matatakot kami. Pero since firsthand naming na-experience mismo yung multo, saka niya lang kinonfirm sa amin.

(Retold by AaronICK)

No comments:

Post a Comment