nuffnang

Wednesday, May 30, 2012

Black Lady


Yong isa ko pamangkin na babae shes 6 years old that time. Isang tanghali sa may bahay nila may nakita syang nakaitim na babae sa may gate nila may kasamang bata nakatingin sa kanya di sya natakot kasi di pinamulat ng ate ko ang mga multo sa kanila as panakot so akala lang nya tao sa labas. Tinawag nya ate ko wala naman. Tinawag nya ung kapatid nya na babae din 5years old that time nakita nung kapatid nya ung babae na nakaitim. Sabi ng pamangkin ko nakikita daw nya ung mag ina tuwing tanghali umaaligid sa bahay nila. Isang gabi nakita ng pamangkin ko sa room nila makatayo ung mag ina sa pinto binabantayan sila pero walang nakikita ung ate ko nagkasakit ung pamangkin ko after a few days takot na takot parati. Nasa abroad kasi bayaw ko kaya inutusan ako ng mother ko na samahan sila kahit isang gabi. Ramdam ko sa pamangkin ko takot na takot sya kasi grabe higpit ng yakap nya sa akin pero ung kapatid nya himbing ang 2log. Isang taon ding ganun sya nakikita nya ung mag ina naglalakad sa kung saan sa bahay nila. Sa awa ng diyos wala na daw sya nakikita.

E2 isa pa pamangkin ko din na lalaki 3years old sya nun sa bahay ng kuya ko sa Antipolo bumisita sila ng ate ko. Ayon sa kwento nung wicked na asawa nya "dati" may dwende daw dun pero hindi naniniwala ang kuya ko naniwala lang sya nung nakita ng pamangkin kung lalaki ung dwende sa may hagdan nila kumakaway sa kanya. Sinabi ng pamagkin ko dahil madaldal sya may bata daw sa hagdan.

Ewan may mga 3rd eye ata sila.

(Retold by tanga_ako)

No comments:

Post a Comment