nuffnang

Friday, May 11, 2012

Sa Bahay ni Lola



nung una kong punta sa bahay ng misis ko may mga nakikita nako...
may mga batang sumisilip sa kwarto ng mga katulong, meron din nakita anak ko sa likod ng bar, may nakakita na may kalaro baby ko na nakikipagtaguan... hindi ko alam pero bigla ko na lang silang nakikita o nararamdaman. hindi ko rin maipaliwanag. 

1) around 2003. kasalukuyan kaming nagliligpit ng misis ko ng bed, nagpapalit kami ng bedsheets at mga punda... so ang tendency is nakatayo kami sa bed. dun sa bed na un may katabing 4 feet na cabinet. nakaharang sya malapit sa pinto.  habang nag-papalit kami, may napansin kaming bata na dumaan, dalawa kaming nakakita. around 3-4 feet taas ng bata. hinihintay naming lumagpas ung bata dun sa cabinet pero walang lumagpas. then nagkatinginan kami ng misis ko, kasi nga pareho naming nakita... ang itsura nya is parang ung pamangkin nyang babae na same height at same hair...

2. 2003 sa room ulit naming mag asawa. sa bed ulit. kasalukuyang patulog na kami ni esmi. kakatapos lang namin patulugin baby namin. ng humiga na kami at paantok na may narinig kami sa ilalim ng kama namin na maliliit na boses... mga ilang beses ko din naririnig un sa magkakaibang gabi...

3. 2003 ulit. brownout... nasa main house kami ng byenan ko... ung room namin nasa likod ng bahay nila. ung katulong namin kukuha ng damit at gatas ng baby namin. nung papunta na sya sa likod at malapit na sa pintuan, may narinig daw syang kaskas ng tsinelas na kasunod nya... walang sumusunod sa kanya kasi lahat kami nasa main house...

4. minsan nakikitulog ung pinsan ng asawa ko sa bahay ng byenan ko. isang araw dun sya natulog sa room ng in laws ko... sa kahimbingan ng tulog nya may nag uuga ng kama as in uga, hanggang sa magising sya... walang lindol kasi nandun din kami malapit sa lugar.

5. ng matulog naman ako sa room na ng in laws ko nakita ko lola ko sa panaginip at hinahawakan nya braso ko. ung pagkahawak nya sa braso ko, bigla akong nagising, at bakat pa ang kamay nya sa braso ko. ewan ko ba? basta mabigat pakiramdam namin dun sa kwarto na un.

6. ung katulong namin maaga nagigising pero natutulog ulit... isang araw tumayo sya at natulog sa sala. medyo masikip kasi kwarto nila kaya sa sofa na lang nya itinuloy tulog nya. around 5-6 am na siguro nun. nung medyo nakatulog na sya biglang may nag uuga din ng sofa nya. sa takot bumalik sya sa kwarto nila.

7. katulong na naman namin. same din ginawa nya sa #6 pero may katabi naman sya. pero ang akala nyang katabi nya ay hindi pala un. ang akala nyang katabi nya ay nasa kwarto pa at natutulog. ng magising sya nagulat na lang sya ng makita nyang bagong gising ang akala nyang katabi nya na galing sa kwarto nila. at hindi raw sya bumababa ng double deck ng araw na un. dun sya kinilabutan. 

8. same year... nagluluto ako... kalimutan ko na... ung kitchen may bintana un na sira (jalousie) sa bandang baba at katabi nun is pintuan sa kusina palabas. may nakita akong babae na dumaan sa crosshair ng bintana at inaantay ko syang lumagpas sa may pintuan ng kusina pero walang nagpakita...
kinabukasan nalaman kong ung araw pala na un araw ng kamatayan ng nanay ng kapitbahay namin...

halos lahat yan same year at same location and sa lahat ng incident na yan na nangyari sa parehong bahay at parehong taon naisipan kong sabihin to sa papa ko. at sinabi nya sakin na subukan ko raw itong kausapin kasi baka raw may gustong sabihin ang mga kaluluwang iyon at ako lang ang nakakakita at madalas makaramdam...
kinabukasan ng gabi, inantay kong makatulog pamilya ko bago ko ito ginawa.. at patay lahat ng ilaw kasi un lang ang alam kong komportable sila at ganun lang sila nagpapakita ng madalas..
habang nagsasalita ako napakalakas ng kaba ko sa puntong paiyak nako sa takot. hindi ko kasi alam kung magpapakita o magpaparamdam kasi nanghihingi ako ng sign... buti na lang wala... hehe

ung mga sumunod na taon wala na akong nabalitaan na kababalaghan.

(Retold by nebuchadnezzarr)

No comments:

Post a Comment