nuffnang

Monday, May 7, 2012

2nd Floor



I was working in a callcenter, lagi kong iniiwan yung magiina ko sa bahay namin. Kampante naman ako kase kasama naman nila sa compound eh yung magulang ko at mga kapatid na babae na may mga pamilya na rin. Kung kaya minsan ang ginagawa ng misis ko eh iniiwan muna nya yung panganay ko sa kuwarto namin sa taas, bali second floor namin at iniiwang nanood ng mga favorite children movies nya like Barney, Dora etc. 



Pero one time kuwento sa akin ng misis ko bigla na lang daw iiyak yung bata at sa murang edad na isang taon eh natutong bumaba ng hagdan para pumunta sa nanay nya, ang dahilan takot. Nung una di namin pinapansin kasi nga bata pero simula nung insidente na yun ayaw nang umakyat ng panganay ko sa kuwarto ng magisa, gusto kung hindi ako kasama yung mommy nya, nagkatuwaan minsan at tinanong ng tatay ko kung bakit ayaw kasi nga iyak ng iyak minsan, alam nyo sabi:

"Anaw ko mamaw"

Pero bata pa lang yun at hindi sya matuturuan kung sakali di namin binabanggit sa kanya ang salita na yun, pero sa gulat namin itinuloy ng tatay ko ang tanong:

tatay: "asan yung mamaw baby?"
baby: "dun taas!" sabay turo sa bintana namin
tatay: "anong itsura?"

Yung baby ko walang sinabi pero gumawa lang ng gesture na hina wakan yung buhok at itinaas na parang sungay. Nagulat talaga kami kasi di namin alam yun,tinuloy ng tatay ko ang tanong.

tatay: "anong sabi sayo baby?"
baby: "Sama!, Sama!"

Talgang kinilabutan kami sa mga sinabi ng bunso ko, pero tandaan nyo naring ko tong lumabas sa bibig ng 1 taong gulang na bata so di pa marunong magsinungaling yun. Sinubukan namin na ibat ibat ibang tao ang magtanong at bali-baligtarin ang tanong, alam nyo pare-prehas ang sagot as in eksakto. Hinintakutan tuloy ako dahil feeling ko merong third eye baby ko, minsan nga kasama nya ako nanood kami ng TV sa taas ng bahay namin tapos nasa sulok siya naglalaro bigla na lang tatakbo tapos hihiga, sasabihing "mamaw mamaw!" sabay turo sa bintana,ikaw ba naman di matakot.

Di ko pinipilit na maniwala kayo pero experience talaga namin sa anak ko ito and kailangan maprotektahan namin siya lagi.

(Retold by torchie82)