nuffnang

Tuesday, May 8, 2012

Television




This happened two years ago sa bahay namin. Nanood kami ng TV ng mga kapatid ko (gabi na nun mga 9:30 pm) ng biglang naglilipat ng channel yung TV ng kusa. At first, akala namin sira yung Tv kase hindi naman dating ganon yun and wala namang may hawak ng remote control at lahat kami seryoso sa panonood. Everytime na ililipat ulit namin sa dating channel, lilipat ulit ng ibang channel yung TV. We even placed the remote control sa floor to make sure na walang nanloloko sa amin (pati remote ng component at iba pa..) Then, Biniro ko sila na baka may multo pero di sila naniwala. Then, bigla ko nasabi na "pakilipat nga sa ch 2?" after two seconds lumipat nga sa ch 2. Nag try-ulit ako for the second time "pakilipat nga sa ch 13" after 2 seconds lumipat nga sa ch 13" Kahit anong channel ang sabihin ko sumusunod yung Tv. I dont think na co-incidence lang yon kasi kahit ang mga kapatid ko yung mag-utos sumusunod din! Dahil sa ingay namin sa takot pati yung isa ko pang ate na natutulog sa kwarto nagising na rin pero di siya naniwala. Sabi niya, maniniwala lang sya na may multo kapag nag-turn-off ang Tv ng kusa, and after a sec. , biglang namatay ang Tv!!!

(Retold by C1)


No comments:

Post a Comment