Pagkatapos ng isang group project, inihatid ng isang dad ang kaibigan ng kanyang anak sa bahay nila sa La Vista. Pagdating nila sa gate nung bahay nung kid, sinasabi nung dad na pagbaba nung bata sa kotse'y huwag nang magpaligoy-ligoy pa't agad tumakbo papasok sa bahay nila.
Wala daw namang malay iyong kid kung bakit ganon, pero sinundan niya ang payo nung dad ng project mate niya.
The following day, lumapit sa kid iyong kanyang project mate at ikinuwento kung bakit siya pinatakbo nung dad niya. Sabi niya na meron daw malaking hayop na may pakpak na lumilipad-lipad sa may bahay nila.
---
Naglalakad sa La Vista (Retold: Leo)
A few years ago, nakatira ako sa La Vista habang ginagawa pa yung bahay namin. Nakagawian ko na maglakad as exercise at tamang-tama, nandito yung baby kong pamangkin so may parang knapsack ako kung saan naka-upo siya sa likod ko.
One of the places na hindi ko gusto nilalakaran ay yung park sa La Vista. Ito yung puro puno lang, hindi yung parang may community center. Hindi ito kalakihan but for some reason, lagi akong kinikilabutan pag dumadaan ako banda doon.
Siyempre, dahil kasama ko pamangkin ko [kahit baby pa, at least hindi ako mag-isa], dumaan ako doon. Siguro late afternoon ito pero maliwanag pa. Ang nakakatakot sa kanya kasi, parang may nanonood sa yo pag dumadaan ka. So naglakad ako at yun na yung medyo dulo ng exercise ko. Ang weird, maiinit nung araw na yon at walang hangin pero for some reason sa loob mismo nung park, may hangin pero pag tumingin ka across the street, walang gumagalaw sa mga dahon. Siyempre, nagmamadali na akong maglakad and for some reason, parang hindi ako makalabas-labas sa park. As in naguumpisa ng dumilim, lakad pa rin ako ng lakad at wala akong nakakasalubong na tao at hindi ako dumadating sa dulo ng park. Brisk walking na ang ginagawa ko [hindi pwede tumakbo kasi maaalog masyado pamangkin ko]. Nagdadasal na ako noon and bago mawala yung natitirang liwanag nakalabas ako. Until now hindi ko mainitindihan kung anong nangyari. Maliit lang yung park and it won't take you 5-10 minutes to walk around it pero inabot ako ng kalahating oras na lakad ng lakad. Hindi na ako dumaan doon ulit hanggang sa lumipat kami ng bahay. Ang natatandaan ko, may mga kwento doon na may nakikita pero hindi ko na maalala kung ano.
No comments:
Post a Comment