nuffnang

Friday, May 18, 2012

Our 100 Year Old House






Sa alam namin, nasa ilalim pa ng Spain ang pilipinas noon, 333 taon na katanda ang bahay namin. Ang bahay namin ay ginawa noong 1800’s. Lahat yun ay gawa sa kahoy, tumitindig parin hanggang ngayon, paniwalaan niyo ako talagang matibay ang mga kahoy na yun hanggang ngayon hindi parin nasisira.

Doon ako sa bahay na yun pinanganak at pinalaki, kaya ganun marami akong make-kwento sa inyo na nakakatakot. Ang bahay namin ay may dalawang kwarto at isang hagdanan na laging dun tumatanggap ng bisita.

Nag-aaral ako nun sa taas. 7-8 taong gulang pa lamang ako nun. 4pm na nun nagbabasa ako ng libro imbis na maki-laro sa mga bata. At dahil diyan nasa TOP ako sa klase. Maglaro kasama ng ibang bata ay hindi ko hilig. Balik sa aking Storya, nagbabasa ako ng libro nun may nakita akong Babae na mahaba ang buhok at naka-puti na lumulutang sa hagdanan. Alam ko na hindi ako inaantok dahil ilang oras na ako gising. Syempre bata, makakita ng Lumulutang, syempre matatakot ako. Nagulat ako at hindi makagalaw. Ilang segundo lamang sumigaw ako sa kataas-taasan ng baga ko para tawagin ang Nanay ko. Nagmadali ang Nanay ko at tinanong kung anong nangyari. Umiiyak ako ng sinabi ko sa kanya na may nakita akong White Lady na lumulutang paakyat sakin. Sabi ng Nanay ko tahan na at titigil na ang lahat. Bilang bata, tumahan nga ako, pero hindi ko maalis ang mga ganung bagay. Simula nun nag-iingat na ako sa mga hindi nakikita.

May isang pangyayari na naliligo ako nun tapos naramdaman kong dumaan ang kuya ko kaya tinawag ko pero walang sinabi. Kinalaunan naalala ko na out of town pala ang mga kuya ko. Yung mga yun ay nakakapag-tayo ng mga aking balahibo. It happened most of the time until I got used to it.

Minsan, kung nasa sari-sariling kwarto na, sa kusina maririnig mo na gumagalaw yung mga gamit sa kusina na parang may party. Meron ding pangyayari na parang may umaakyat at bumababa sa hagdan. Alam namin na lalaki ito kasi ramdam ang bigay ng paa nito. Alam namin ito kasi kahoy nga ang bahay namin. Nung nasa last sem na ako sa Kolehiyo, hatinggabi na ako natatapos sa kagagawa ng aming Thesis. Ginagawa ko ang huling plate to wrap up out thesis ng napansin ko na may white lady na nakatayo sa tabi ko. Lumingon ako para walang makita. Binigyan ako nito ng kilabot. Hindi lang ako ang nakaka-ramdam nito pati mga kapatid ko din, lagi itong nangyayari kapag hinahatinggabi kami kaka-aral.

Years passed and we all finished college. My younger brother moved to a different location. I got married and got pregnant but unfortunately my first baby died of fetal distress. She got to live an hour and a half. We named her Danielle. That really depressed me. One afternoon, a few weeks after my daughter died, I cried myself to sleep. I don’t know if I’m dreaming or what but I saw my grandfather leaving my room with a little girl holding his hand. Thinking that it was a dream I

Bumalik sa pagkakatulog. Ang asawa ko ay ginising ako bandang 5 kung bakit daw pinabayaan kong naka-bukas ang pintuan, Sabi ko hindi ko ito ginawa tapos may naalala ako. Naiyak ako ng tinanong niya kung bakit. Sinabi ko sa kanya kung anong nangyari. Pagkatapos ng isang taon nasa Silid Kainan ako ng may nakita akong bata na naka-upo sa Stove, Hindi ko masabi kasi nakakita ako ng batang naka-upo sa stove winawagayway ang paa. Sabi ng Lola ko minsan ng mag-isa siya nakakarinig siya ng lakad. Hindi niya ito pinapansin. Nung nanganak ako ng pangalawa namin naririnig na lang namin na natutuwa ang anak namin na nakatingin sa wala.

Hanggang ngayon nakaka-ramdam parin kami ng ganun, tinatawag namin itong mabait o kahit anong tawag niyo. Ang pinaka-importante ay hindi nila kami sinaktan kahit nakitira kami sa kanila. Nanirahan kami dun sa 29 taon ng aking buhay. Hindi ko alam kung ang una kong naramdaman ay ginawa akong sensitive tungkol sa mga ganyang bagay. But all I know is that we are living with this “thing”.

(Retold: kwentongkababalaghan)

No comments:

Post a Comment