(Retold by silver)
Si Rina (di nya tunay na pangalan) ay busy sa kakakumahog ng reports para sa kanilang upcoming meeting at FGD (focus group discussion) kinabukasan. Inabot na siya ng alas-nuyebe ng gabi sa opisina at siya na lang ang tao dun. Tutok na tutok sa kompyuter at tahimik ang buong opisina. Hanggang sa may pumasok sa opisina na isang babae na suot ang smock (ginagamit ng mga operator sa electronics). Tahimik na umikot ang babae. Akala ni Rina na ito ay magtatanong tungkol sa payslip o sa kung ano man.