nuffnang

Wednesday, June 6, 2012

Bintana


(Retold by: Ronell10)

nangyare to nung 1st year high school ako, sa bahay ng tita ko kung saan nakikitira kame kasi nasa london na sila nakatira.

Lokasyon ng bahay at sa Quezon City.

Malaki ang bahay ng tita ko, may garden, mga puno, maid's room/quarter na nasa labas ng bahay at bodega.

Maiikot mo ang labas ng bahay kahit nasa loob ka ng gate, ganun sya kalaki.

Uso ang Playstation 1 noon :) Isang tanghali, Naglalaro kameng magkuya ng playstation.

Kameng dalawa lang ng kuya (pangalawang kuya) ko madalas sa bahay, ang tatay ko nasa london, nanay ko laging nasa trabaho at yung panganay kong kuya ay nagdodorm sa manila.

May TV kame sa sala non, dun kame naglalaro ng playstation ng kuya ko. Tatlo ang kwarto sa loob ng bahay, master's bedroom, pink room and blueroom.

Nakaharap kame sa TV, kita mo ang repleksyon ng blue room kapag nagdidisplay ng madilim/black ang TV. Bukas ang pinto ng blue room, so kita mo din ang bintana na sa panahong iyon ay walang kurtina.

Habang naglalaro kame, nagloading ang playstation, so nagdisplay ito ng blackscreen... nung nagblackscreen na ito, nagsalita ang kuya ko ng "huy!"

Sabi ko sa kuya ko, "bakit?"...

Sabi nya, "May tao! kuha tayo ng tubo baka magnanakaw"

Sabi ko, "Saan mo naman nakita? wala naman tao sa labas"

Sabi ng kuya ko, "di mo ba napansin sa TV? nakita ko naglalakad doon sa labas ng bintana sa blueroom"

Agad agad kame kumuha ng pamalo at lumabas kame para tignan ang likod bahay kung may tao...

Pag punta namin sa likod, tahimik kameng nakiramdam, habang sinamahan kame ng aso ko. Wala naman naaamoy ang aso ko, kaya sabi ko sa kapatid ko, "sigurado ka ba?"

Sabi ng kuya ko, "oo kitang kita ko, parang bagal pa nga maglakad e"

Sumigaw ako, "Hoy lumabas ka kung nagtatago ka sa bodega, andito aso namin"

Ngunit walang nagparamdam...

Tinanong ko kuya ko, "ano ba ichura?"

Tumahimik sya at parang biglang natauhan...

Bigla bigla nya akong inaya tumakbo... Syempre tumakbo din ako dahil di ko din maintindihan ang kuya ko... pati aso ko kasama namin sa pagtakbo....

Sinundan ko ng pagtakbo ang kuya ko hanggang makalabas kame ng gate ng bahay...

Tinanong ko "g*go bakit ba tayo tumakbo"

Sabi ng kuya ko, "t*ng*na! naalala ko naka-belong itim yung dumaan sa bintana... na parang matanda!"

Halos nanginginig na ang kuya ko sa takot, at ako naman ay parang hihimatayin din sa takot sa nalaman ko (dahil pinuntahan pa namin kung saan nakita)

Hindi muna kame pumasok ng bahay, tumambay kame sa tindahan at hinintay namin makauwi ang nanay namin.

No comments:

Post a Comment