(Retold by silver)
Sadyang si Rina e addict sa overtime. This time, ito na namang karanasan nya e nangyari sa isang parte ng admin building. Inabot na naman siya ng gabi. Busing-busy siya sa pag-aayos ng dokumento ng mga applikante na mageexam kinabukasan.
Hanggang sa may nakita siyang may nakatayo malapit sa printer ng purchasing department (halos magkasama sa isang lugar ang opisina nila at nun sa purchasing).
Tinitigan nyang mabuti. Babaeng itim ang suot at nakabelo.
Hindi nya malaman kung ito ay nakatingin sa kanya dahil sa kapal ng belo. Hindi nya maaninag ang mukha. At hindi umalis ang babaeng naka-belo – tila may hinihintay. Mag-out na si Rina sa time keeping device pero nandun pa rin ang babae.
May mga oras na maaga naman siyang pumasok. Lalo na kung may training. Pumasok siya ng 5:00 AM. May hinahanap siya sa kanyang table nang may marinig siyang yabag at tawa ng isang batang tumatakbo sa opisina. Weird. May bata? Sa opisina? Disoras ng madaling araw?
Hanggang sa nakita nya ang bata na tumakbo papunta sa training room. At tumagos sa pintuan.
No comments:
Post a Comment