nuffnang

Friday, June 8, 2012

Madre


(Retold by idle091)

nangyari ito last month...nagkayayaan kami ng mga kaservice ko na mag jogging...

napagusapan nmin na magkikita kita sa bahay ng isa kong kaservice para dun magsimula ung pagjojogging namin...

d2 sa lugar namin d nmn masyado liblib ang lugar medyo madilim d2 sa barangay nmin lalo n pag gabi...

4:15 nag ring ung alarm clock ko...

agad agad akong nag jacket at nagsuot ng sapatos..at umalis na ng bahay..

nagpunta ako sa kanto para mag abang ng tricycle..

4:30 na wala pang tao at tricycle na dumadaan kaya nagpasya akong magjogging nlng papunta sa bhy ng kaservice ko tutal d nmn masyado malayo bahay nila sa amin..

pagdating ko sa pangalawang kanto...nakita ko ang kumbento ng mga madre...at naalala ko ung mga kwento sa amin ng mga matatanda at mga tricycle driver na may nagpapakita daw sa kumbento...

d nmn agad ako naniwala sa mga sabi sabi...kc naniniwala ako sa kasabihang 'to see is to believe" 
pag dating ko sa tapat ng kumbento dahan dahan akong nag jogging at nakikiramdam sa paligid..

bago ako nakalampas sa kumbento...pinagmasdan ko muna ung nag iisang bintana na nakatapat sa kalsada... 

Kitang kita ko na biglang bumukas ang ilaw sa loob ...pero d ako natakot kc nasa isip ko na baka madre lng un...

muntik na akong napahiyaw ng biglang may lumabas na madre sa bintana at papunta sa kinaroroonan ko...

inaaninag ko ang mukha ng madre hanggang parang nanlamig ang paligid at d ako makakilos...

Kitang kita ko! pugot ung madre at papalapit sa akin! nagtatakbo ako palampas ng tulay,,
paglingon ko sa likod ko d na ako hinahabol ng madre...

napaupo ako at nanginginig sa takot...d ko alam ang aking gagawin..tumungo ako at nagdasal...at noong patayo na ako...nasa harapan ko ung madre at hawak nya yung kanyang ulo na nanlilisik ang mata...

hinimatay ako nun...at nagising ako dhl nakita pla ako ng mga kaservice ko na nasa daan at walng malay... 

Simula noon sa tuwing dadaan ako sa tapat ng kumbento hinding hindi na ako lumilingon sa bintanang nagdala sa akin...ng isang matinding karanasang d ko malilimutan....

No comments:

Post a Comment