nuffnang

Monday, June 4, 2012

Haunted Office


(Retold by silver)

Si Rina (di nya tunay na pangalan) ay busy sa kakakumahog ng reports para sa kanilang upcoming meeting at FGD (focus group discussion) kinabukasan. Inabot na siya ng alas-nuyebe ng gabi sa opisina at siya na lang ang tao dun. Tutok na tutok sa kompyuter at tahimik ang buong opisina. Hanggang sa may pumasok sa opisina na isang babae na suot ang smock (ginagamit ng mga operator sa electronics). Tahimik na umikot ang babae. Akala ni Rina na ito ay magtatanong tungkol sa payslip o sa kung ano man.

Sinundan nya ng tingin ang babae hanggang sa isang iglap e bigla itong nawala.

Kinalibutan si Rina noon. May tendecy kasi siyang makakita ng mga nilalang na di kadalasang nakikita ng karaniwang mata. Alam nya din pati na ang opisina na yun e parang haunted. Alam nyang may lalakeng laging nakatayo sa isang cubicle ng isang manager doon. Tila nagmamasid palagi. Dun naman sa opisina ng direktor nila – tila may aninong laging pagala-gala doon. Kaya pala ang sekretarya ng direktor e ayaw na nagpapaabot ng gabi doon.

Kinabukasan, kinausap ni Rina ang isang manager at ang kanyang amo. Inilarawan nya ang nakitang babae: mahabang buhok, may katangkaran, medyo balinkinitan ang katawan at mestisahin. Nagulat at nangilabot ang manager at amo nya nung sinabi nya na may hawig kay Alice Dixon ang babae.

Kinuwento ng manager na yun ay isa sa mga empleyadong namatay sa isang malagim na bus accident habang papasok sa kumpanya noon. Naaksidente ang company bus sa highway at siguro akala ng babae na siya ay papasok pa rin sa kumpanya.

No comments:

Post a Comment