This is a real deal ghost story happened this September 22 (kaninang madaling araw lang!).
Nagtataka ako kung baket ang aso ng kapitbahay namen na si Doggie e matindi ang pagkaka-alulong at tipong sa tapat pa ng gate nakapwesto.
1:30 AM. September 22.
Naalipungatan ako sa matinding alulong ni Doggie. Ilang beses ko nang naririnig ang alulong ng pastilan na aso na yun. Alam kong ang mga aso e may tendency makakita ng mga nilalang sa ibang planes of dimension – name it: espiritu, engkanto etc. Weird pero parang wala naman akong nakikita, tuloy pa rin ako sa pagbangon kahit ilang oras lang ang tulog ko dahil sa may gagawin ako that time. Usually, ang pinaka-ideal time sa akin para magsulat at magbutingting ng kung ano-ano sa internet is between 1 AM to 6 AM ng umaga.
2:00 AM.
Unusually malamig din ang kwarto namen at ang sala. Pero dinismiss kong baka lamig lang gawa ng madaling araw. Nakakapagtaka na medyo kinalibutan ako pero dinismiss ko yun as just panlalamig lang. Habang binubuksan ang aking kelvinator laptop, saka tumawag ang isa kong kaibigan. Night owl din kasi siya at nagkwekwento na di din makatulog na ewan. Si Doggie e tuloy pa rin sa pag-alulong. Habang tumatagal e lalong lumalakas. Nagtaka ang kausap ko sa telepono kung baket may umaalulong sa aking background. Sagot ko naman na yung aso ng kapitbahay namin e nakakakita yun kaya malamang may nakikita siyang umaaligid-ligid sa labas ng bahay.
Habang gumagawa ako at para mawala na din ang jitters ko, nagpatutog na lang ako sa Itunes ng technomusic. Paano kasi kung tahimik ang lugar ko tapos sabayan pa ng umaalulong na aso, ay ambot! Nakakapangilabot.
Pagdating ng 4:00 AM ng umaga, nanahimik si Doggie na parang walang nangyari. Tumigil siya sa pag-alulong.
Kinatanghalian…
Habang nagsasampay si Inay at ako e tyempong nasa kusina para magluto ng tanghalian, nasabi nyang dumalaw ang mga matatanda. Sabi ko, “Huh? Wala naman dumalaw sa atin di ba? Kelan ba dumalaw?” Patawa akong sinagot ni Inay, “Hindi. Dumalaw sila kaninang madaling araw. Dumaan pa nga sa harap mo. Di mo napansin. Nakita ka siguro na nagiinternet.”
Alam ko na ang nasa isip ko nung oras na yun. May dumalaw na espiritu sa bahay. Aware naman ako na palaging may dumadalaw na espiritu sa aming bahay – usually espiritu ng mga yumaong lolo at lola pati na din ang mga lolo at lola ko sa tuhod.
“Sino ba ang dumalaw? At bakit dumalaw?” tanong ko kay Inay.
“Dumalaw ang mga lolo at lola ko sa both father and mother side ko. Sina Nanay Pidad. Niyayakag ako. Tipong sinusundo ba. Ganun sila kapag nakikita nila akong malungkot o may problema. Ayaw nila kasi akong nahihirapan.” sagot ni Inay.
“Mabuti na lang at di ko inabot ang kamay. Dahil kung nagkataon, mapapasama ako sa kanila.” dugtong niya.
Ineksplika pa ni Inay, “kaya si Doggie e panay ang alulong kanina. Alam niyang pumasok yung apat na matatanda sa bahay.”
Naalala ko ang isang pangyayari sa buhay ko noong highschool na nagkaroon ako ng engkwentro sa babaeng nakaitim. Nakaengkwentro ko ang babae sa aking bangungot. Malapit na din ako makapusan ng hangin noon dahil yung kumot na nakatakip sa mukha ko e tipong pinangsakal sa akin at ramdam kong may nakadagan sa aking katawan.
Biglang lumitaw ang dalawang espiritu – isang babae na nakapusod ang buhok at nakabarot-saya. Ang isa naman e lalake na nakabarong tagalog at naka-one sided ang hati ng buhok. Yung tipong itsura ng mga tao nung 1960s. Dumaan sila sa may kusina sabay pumasok sa kwarto namin. Hinatak nila ang babaeng nakaitim mula sa pagkakasakal sa akin. Inilayo at tipong niligtas ako sa pagkakatuluyan ko sa bangungot ko noon. Pagkatapos nun,nagpakita pa ulet ang dalawa at nakangiti sa akin.
Dinescribe ko ang itsura nila sa Inay ko habang kami e nagkwekwentuhan. Sabi niya na si Nanay Pidad ang babae dahil mahilig magpusod ng buhok yun at akma ang description ko sa kanya. Yung lalakeng nakabarong ang di ko pa ma-workout pero pihado akong isa din siyang kamag-anak namin na yumao na.
“Lagi kayang nasa bahay ang mga lolo at lola mo. Di mo lang napapansin.” sambit ni Inay pagkatapos.
(Retod by silver)
No comments:
Post a Comment